Sunday, August 16, 2009

KABAONG NI NANAY

Registered nurse si Maria sa States. Kasama nya ang
kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina
nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa
Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya
ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya

na dikit ang mukha sa salamin ng ataul. Nagkomento
tuloy and isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan...
hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!"
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang
kabaong. Aba! May sulat sa dibdid ng ina. Kinuha
nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula
kay Maria:

Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa
pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng
pamasahe.

Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $1,000

na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.
Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga
sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na

karne norte. And adidas na suot ni nanay ay para kay
tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng
dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni
nanay. Tig-iisa kayo.
Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa
puetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na
kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga
ito.

Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay

para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng
bata.

Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene, Ate, nasa

loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version
ng pokemon trading cards at stickers.
Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap
at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay
Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot
ninyo ang mga iyan sa fiesta.
Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong
warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo
sa party.

May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay.

Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan
nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at
'yong isa ay kay Pareng Tulume.
Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee
caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak
mo, diko, na nagbabasketball.
Tigdadalawang ream ng Marlboro green at Winston
lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang
dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at
tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa
kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag
mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya

Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam
nyo 'yan, tiya.
Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit
pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo,
ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin
agad, ditse.

Mga Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni

nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.
Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton
balls, table napkins at mga scotch brite na may foam
ay natatakpan ng mga puting bath towels...'yon bale
ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami
rin iyon. Parte-parte rin kayo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka

mag-excess at si nanay pa ang maiwan.
Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong,
ditse. Para sa inyo lahat ito.
Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang
siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Paki-double check ang lista kung walang nawala sa
mga ipinadala ko.

nagmamahal,

Maria

P.S. Pakibihisan ninyo agad si Nanay!

Saturday, July 25, 2009

REALITIES OF BEING OFW



Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.


Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o riyal o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.


Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.


Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?"


Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugu­tom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.


Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya – ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"


Bayani ang OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.


Matindi ang OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.


Malas ng OFW, swerte ng pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo (madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.


Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.


Matatag ang OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya, o may tsansa pa ba?


Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan nang maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ‘pag kupal at utak-talangka), iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba pa rin talaga -- “aprusam man ti likod ko baket.”


Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.



How can you Retire Young and Rich?


Attend our Free Financial Literacy Seminar in Your Place and Discover How to Earn Extra Income from Home Using the Internet.


Or simply send an email below and receive articles online.


ebooks@emarketingbus.com


Call or Text : +63 921 564 5461

Thursday, July 23, 2009

PAALALA SA MGA OFWs

Maaaring mangyari sa isang OFW:1) Matanggal sa trabaho
2) Magsawa na sa trabaho
3) Hindi na kaya ang magtrabaho dahil sa katandaan, karamdaman o parehong kadahilanan
4) Nalagutan na sa pagta-trabaho

Resulta sa maaaring mangyari sa isang OFW:1) Na-bankrupt at nabaon sa utang

2) Walang panggastos sa pang-araw-araw sa sarili at pamilya
3) Nakakaisip ng hindi magagandang gawain
4) Hindi nakuha ang mga pangarap sa sarili at pamilya bagama’t naging OFW sa mahabang panahon
5) Iniwan ang pamilya sa hikahos na buhay

Posibleng solusyon ng isang OFW:1) Ipagdasal na lang ang kinabukasan at walang gawing ibang paraan. (“Bahala na ang D’yos”, sa madaling salita)

2) Ipagdasal ang kinabukasan, mag-isip at gumawa ng paraan sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat at magsisi sa bandang huli. (“Nasa Tao Ang Gawa, Nasa D’yos Naman Ang Awa”, ‘ika nga).

Kabayang OFW, ano sa solusyon ang pipiliin mo? Ikaw na ang bahala.


Walang pagbabago sa buhay kung walang pagbabago ng aksyon. Ulit-ulitin man ang ginagawang pagsisikap buwan-buwan, taun-taon man…bakit kinakapos pa rin?

Kabayan, kung ikaw ay naghahanap ng sigurado at lehitimong paraan, tumawag ka lang sa amin at maaaring makatulong sa ‘yo ang kaalaman naming marami na ring buhay-OFW na binago. Ikaw man ay may pinag-aralan o wala, basta lang positibo ang pag-iisip, magiging masagana at maunlad ang iyong buhay.

Walang anumang babayaran o kahit na anong pabor, ang gusto lang namin ay maisama ka sa isang kapaki-pakinabang na kaalaman na maaari ring makapagpabago sa iyong buhay. ‘Ika nga, “Kayang-Kaya Kung Sama-Sama!”


Kung ikaw ay napapagod at nahihirapan na bilang isang OFW, tawagan o kontakin mo lamang kami at ituring na isa sa iyong kaibigan. Walang iwanan, kabayan! Ito na ang pag-asa ng mga OFWs na kagaya mo.


Text or Call

+966-50-215-0163
+63-921-564-5461